Minsan dahil sa abala tayo sa ibang gawain, hindi natin namamalayan nawawala na pala tayo sa focus. Gaya nito, marami naman sa atin na may alam na huwag ibigay ang otp kahit kanino kasi ma-aaccess nila account mo at maaaring mawala lahat ng pinaghirapan mo sa isang iglap lang. Pero ang mga scammer kasi nag-iimprove, so yung nakasanayan natin na paraan nila ng pang-iiscam ay hindi na pala nila ginagamit na kung saan yun ang ating nalalaman. Kaya dapat huwag liitin ang ating pang-unawa sa kakayahan ng mga scammer, isipin nating mabuti kung sa ano bang paraan pa maaaring mascam tayo upang maiwasan na maging biktima ng mga scammers.
- Saka binabalita din naman yan sa mga mainstream media, sadyang may mga ibang tao lang talaga na ewan ko ba kung bakit hindi nila alam ang ganyang mga bagay. Naging rampant nga yan last year sa gcash hacking isyu diba, yung hinihingi yung OTP tapos hindi nila alam na maphished na pala yung account nila.
Kaya nga hangga't maari ay iremind natin ito sa ating mga kakilala, tayo kasing mga community dito sa forum aware na tayo sa ganyang bagay kaya hindi talaga tayo mabibiktima ng ganyang uri ng mga scammers.