Hindi mo kelangan mag VPN — in fact, mas ok na hindi ka naka VPN. Kasi pag naka VPN may chance na iblock ng Binance ung account mo kasi baka ma-flag as unauthorized access.
Just change DNS to 1.1.1.1(CloudFlare) or 8.8.8.8/8.8.4.4(Google).
Agree still working parin saken itong method na ito at sa tingin ko naman masokey nga naman ito kaysa sa VPN, siguro kung legitimate ang VPN mo massafe siya kumpara lang dun sa mga free VPN dahil hindi mo rin alam ang mga posibility na baka mabanned pa ang account mo so masokey na magstick nalang dito sa method na ito.
So far wala naman ako problema sa Binance kahit yong mga friends ko and cousins nakaka access pa din sa binance ng walang issue ,parang di nga namin ramdam itong blocking na sinasabi ng SEC though may mga nababasa at naririnig kami na na blocked na daw sa kanila yet wala naman sa part namin.
Pero thanks sa tulong mo dito kabayan I think kailangan ko i save to in case mangyari din sa amin ang blocking bagay na sana naman wag na mangyari lalo na at inaayos na ng binance ang case nila dito.
So far tama ka jan kabayan, hindi sobrang higpit sa ngayon dahil tulad neto marami pa rin tayong mga method para maacess ang Binance, kahit yung application ng Binance hindi pa naman nila naboblock, I mean maraming mga updates na tatanggalin daw ito sa playstore pero so far wala pa namang nangyayari. Not sure if kaya ba talaga nila na maghigpit ng talagang block I mean kahit naman kase sa mga countries na block ang Bitcoin or Binance laging may way pa rin naman talaga para maaccess ito kung gugustuhin naten, I mean internet naman kase yan, pano nga naman naten iboblock ang internet.
Use the Binance app. Much simple since hindi pa ban or restricted ang Binance app kaya no need mag VPN or proxies. Besides, Nakikipag ugnayan na ang Binance para sa kanilang license kaya syang lng ang VPN subscription since babalik din naman sa dati once mag comply na sila.
So far, wala akong problem na naeencounter gamit ang app since ito din talaga ang palagi kong gamit dahil mas convenient at malinis ang user interface compared sa website.
Di ko sure kung ako lang ba ito pero yung app niya is nagrereturn na sakin ng error kapag binubuksan ko siya, tingin ko wala na talagang way to access Binance kasi ganito yung nangyayari eh. Saan mo pala nasagap yung balita na makakabalik sila kapag nagcomply na sila? Parang hindi ata yan nabahagi sakin ng mga kakilala ko sa crypto community kaya medyo nagulat ako dahil may ganyan pala, sana nga totoo yan at makakabalik sana sila dito at kung totoo man na babalik, sana naman ay hindi ganun katagal yung pagbabalik nila pero nasa Pinas kasi tayo eh, siguradong mabagal ang paperwork.
So far naman saken working ang Binance app not sure kung anong issue nung sa iyo pwd mo siguro itry ireinstall yang application baka sakaling nagkaissue lang sa installation. Mayroon akong nabasa na nakakuha ang Binance ng approval sa India para maapprove na sila as a legitimate na register sa bansang India so, possible kung magiging ganito rin ang mangyayari sa Pinas dahil isa rin ang Pinas sa mga pinakamalaking users na bansa pagdating sa Binance, so for sure nakikita na rin nila ang pagbagsak ng users lalo na ngayon na nagsimula na magblock kahit papano ang SEC.