Use the Binance app. Much simple since hindi pa ban or restricted ang Binance app kaya no need mag VPN or proxies. Besides, Nakikipag ugnayan na ang Binance para sa kanilang license kaya syang lng ang VPN subscription since babalik din naman sa dati once mag comply na sila.
So far, wala akong problem na naeencounter gamit ang app since ito din talaga ang palagi kong gamit dahil mas convenient at malinis ang user interface compared sa website.
Di ko sure kung ako lang ba ito pero yung app niya is nagrereturn na sakin ng error kapag binubuksan ko siya, tingin ko wala na talagang way to access Binance kasi ganito yung nangyayari eh. Saan mo pala nasagap yung balita na makakabalik sila kapag nagcomply na sila? Parang hindi ata yan nabahagi sakin ng mga kakilala ko sa crypto community kaya medyo nagulat ako dahil may ganyan pala, sana nga totoo yan at makakabalik sana sila dito at kung totoo man na babalik, sana naman ay hindi ganun katagal yung pagbabalik nila pero nasa Pinas kasi tayo eh, siguradong mabagal ang paperwork.
Baka hindi lang nakaupdate or kailangan lang na reinstall u ulit, kasi diba may ganun kapag hindi naaupdate yung apps kadalasan hindi mo talaga ito maaccess or magkaroon ng problema.
Sa kakilala ko din naman binance apps parin naman daw ang ginagamit nya, at dun parin naman daw siya gumagawa ng p2p transaction kapag nagpapalit daw siya ng crypto sa peso. Parang hindi nga raw nya ramdam na may problema ang Binance.
Same sa akin, no problem sa pag access ng Binance. Ang naexperience ko lang yung pagdalas ng paglogout ng account pero kung gagamitin naman ay walang problema, gumagamit ako ng p2p sa account ko paminsan minsan or kung magtransfer ng funds sa other user kapag may need ako bayaran, no issues at hindi na need ng VPN basta app ang gagamitin.