Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Philippine peso Stablecoin
by
bhadz
on 13/05/2024, 22:08:35 UTC
Para sa akin lang, maganda ito. Parang quick cash mo ito kapag yung asset mo ay karamihan nasa crypto tapos kailangan mo magkaroon ng cash. Hindi ko balak gamitin yan globally pero ang point lang niyan siguro para sa atin at sa mismong platform ni coins.ph. Kung sa trading purpose, walang pinagkaiba sa USDT at iba pang mga stable coins. Parang may addition tayong choice kung gusto mo lang mag trade tapos yung value ng trade mo maintain lang in peso, kaya tingin ko para sa akin okay siya at magagamit ko siya. Kaya waiting lang din ako sa launching niya, looking forward at optimistic lang sa mga ganitong development.

Kung wala naman palang pinagkaiba sa usdt ay mas pipiliin ko na itong matagal na nating ginagamit na usdt na stablecoins. Kumbaga bakit kapa susubok ng bago kung meron namang subok na alam mo o natin sa ating mga sarili na kampante tayo kesa naman sa isang bago palang na medyo andun pa yung pagdadalwang isip o pagdududa, diba?

Pero tama kapa rin naman na dagdag lang yan sa pamimilian ng mga nais na sumubok o macurious sa isang kagaya nyan na stablecoins dito sa bansa natin gamit ang coinsph.
Sa USDT kasi, walang kontrol ang gobyerno natin. Dito naman sa Philippine stable coin ay mayroong kontrol ang BSP sa pagproduce ng supply at mas makakapag intervene ang ating gobyerno dahil regulated si coins.ph ng BSP natin. Kaya kung para sa akin lang, maganda ito at madami tayong choice. Kung saan magkakaroon ng demand, siyempre doon tayo pupunta at tignan natin kung ano ang magiging response ng sambayanang Pilipino crypto people tungkol kapag nasa market na.