Nagamit ko siya one time lang sa Binance noon, pero mas prefer ko talaga UB. Matagal na yang seabank pero yun nga gaya ng sabi mo wala siyang physical bank, parang yung gothyme, kaya malimit kong gamitin. Nagagamit ko lang yang seabank kapag magtransfer ng funds from shopee pay dahil minsan may nirereceive akong funds galing doon. Shopee pay to seabank ay walang transaction fee malaking tipid din kasi yun para sakin kumpara sa ibang bank na 15-25 PHP per transaction.
So ibig sabihin nung nagamit mo ito ng wala kang nakitang problema dahil naachieved mo naman ng maayos yung transaction na ginawa mo gamit ang seabank? tama ba? san mo ba ito ginamit sa binance ba before? So far naman sang-ayon din sa aking nalalaman dito ay mga ilang taon na nga itong nageexist sa field nang digital bank, para siyang katulad ng CIMB sa gcash wallet na ating ginagamit sa ngayon.
Kaya lang parang hindi ko pa siya gaanong nakikita na tinatanggap sa mga p2p exchange, sinubukan ko kasi na alamin at wala akong Seabank na nakitang lumalabas sa kanila, siguro kung makita ko ito sa anumang crypto exchange ay malamang isa ito sa gamitin ko narin na digital bank. Though, yung cons nga lang talaga ay walang pisikal office na hindi kagaya ng CIMB na kahit digital bank ito ay meron naman siyang office na pwedeng puntahan sa BGC location.