Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Seabank sa P2P Exchange
by
Mr. Magkaisa
on 18/05/2024, 05:24:39 UTC
Nagamit ko siya one time lang sa Binance noon, pero mas prefer ko talaga UB. Matagal na yang seabank pero yun nga gaya ng sabi mo wala siyang physical bank, parang yung gothyme, kaya malimit kong gamitin. Nagagamit ko lang yang seabank kapag magtransfer ng funds from shopee pay dahil minsan may nirereceive akong funds galing doon. Shopee pay to seabank ay walang transaction fee malaking tipid din kasi yun para sakin kumpara sa ibang bank na 15-25 PHP per transaction.

       -    Kung madalas kang umorder sa shoppee at naglilipat ka ng pera from shopee ay 15-25 pesos ay malaking bagay nga naman talaga. Nagagamit ko rin ito, at naatract lang ako na gamitin dahil sa 6% interest rate na binibigay nya sa mga users nito. Meaning kung meron kang 100, 000 php sa Seabank at 6% edi lalabas nasa 6000 php din ang tinubo ng 100 000 php mo.

Tapos ang kinagusto ko pa dito yung 6000 php na interest sa loob ng 1 year, ay pumapasok araw-araw sa balance mo, so parang yung interest nya araw-araw ay nadadagdag sa account mo sa seabank, basta parang ganito yung pagkakaintindi ko. At pwede mo din itong magamit sa mga crypto exchange na may p2p din tulad ng sa Binance, Bybit, Okx, ewan ko lang sa Bitget siguro meron din in terms of cash-in or cash-out.