Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Scam phone call scheme
by
atamism
on 23/05/2024, 16:06:00 UTC
NINAKAW LAHAT NG PERANG DONASYON!

https://www.youtube.com/watch?v=BjQGVyVVQOY

Ito oh example na nascam yung laman ng gcash na 50K plus galing sa mga donasyon dahil lang sa may tumawag sa kanya at nagpakilalang kaibigan ng tumutulong sa kanya at nagsinungaling na dadagdagan ng 10K kapalit ng OTP. Niremind naman na pala siya na wag ibibigay kahit kanino pero nagawa pa rin ng biktima dahil napaniwala siya. Nakakaawa lang dahil sa sitwasyon nila, siguro sa kakulangan na rin ng kaaalaman kaya ganun nangyari. Pero ganun nga may kamalian din si victim, hindi pa pala sariling gcash yung gamit, ilang beses din siya pinapalalahanan yung gawin at hindi dapat gawin.
Kaya ako never akong naniwala sa mga text message sa akin simula noong namulat ako dito sa forum. Sobrang naging careful ako pagdating sa mga ganyang bagay kahit na mga malalapit sa akin ay pinaaalalahanan ko na wag basta basta maniniwala sa mga text tapos may kasama pang link. Napaka dali na nakawin ang info natin sa online kaya dapat talagang maingat tayo sa mga pinipindot nating link dahil tulad nyan napaniwala lang sya instant goodbye yung 50k nya, nakakapanlumo yan para sa taong hindi gaano kataasan ang sahod at inipon talaga yan. Hindi basta bastang pera rin yan.