Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Seabank sa P2P Exchange
by
bettercrypto
on 25/05/2024, 21:58:09 UTC
Nagamit ko siya one time lang sa Binance noon, pero mas prefer ko talaga UB. Matagal na yang seabank pero yun nga gaya ng sabi mo wala siyang physical bank, parang yung gothyme, kaya malimit kong gamitin. Nagagamit ko lang yang seabank kapag magtransfer ng funds from shopee pay dahil minsan may nirereceive akong funds galing doon. Shopee pay to seabank ay walang transaction fee malaking tipid din kasi yun para sakin kumpara sa ibang bank na 15-25 PHP per transaction.

Mas okay talaga Unionbank, very crypto friendly and less hassle. Hindi ko pa nasubukan yung Seabank simula nung nagkaroon ako ng issue sa Maya bank pero matagal tagal ko ng naririnig yang digital bank, ito ba yung affiliated ng Shopee? Medyo risky din kasi para sa akin ang sumubok ng iba't ibang digital banks lalo na't daming issues na naglalabasan tapos hindi pa ganun kabilis mag respond customer service nila, kaya doon padin ako sa nakasanayang gamitin. Yung gotyme, okay syang gamitin and less worry din ako dito kasi owned by the Gokongwei Group ito saka nagagamit din sya kapag nag out of country ka.

Ako wala pa naman na account sa any bank companies dito sa bansa natin, pero meron akong unionbank apps online account debit card via lazada kahapon palang sinubukan ko, dahil nakita ko lang sa lazada apps na meron debit card at nagtry ako mag-apply para subukan yung card na nandun, hindi lang ako sure kung yung paggawa ko ng account via apps ng unionbank online ay automatic ay yun narin ang account ko sa pisikal bank nila.

Ngayon, itong Seabank, ay parang nacucurious din akong gumawa ng account dyan dahil nga masyadong promising yung offered interest at so far ay mukhang okay naman siya according sa ibang mga nagcomment dito at sinilip ko rin sa sa p2p ng mga nabanggit na mga exchange na kung saan ay merong Seabank.

madami din perks yung mga digital banks, try mo lalo na kung more on online payments ang transactions mo, pero UB ska Gotyme lang sa ngayon yung mga trusted online banks na ginagamit ko kasi sa mga perks and incentives na pwedeng matanggap kapag user ka nila. Muntik ko ng subukan yang seabank pero may nabasa kasi akong post before about dito na naging reason bakit hindi ko na itinuloy ang pag register pero baka soon ay gamitin ko nadin sya.

Mukhang nakikinita ko ng madadagdan na ang users ng Seabank dahil sa mga kababayan natin dito sa lokal section na ito, nga pala matanung ko lang tungkol sa UB, kasi gumawa ako ng account dyan nitong mga nakaraang araw UB online apps, at nagsubmit din naman ako ng mga kyc with facial verification pa nga eh. Matagal ba talaga magapprove dyan sa UB bago ka magkaroon ng account?

mga parang 4 days narin ata wala pa akong nakikita o narereceive sa aking email account kung approve ba ako o hindi? Parang nakakainip din kasi dahil sa tagal nga nilang magreply for approval sa kanilang apps.