Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Seabank Discussion Thread
by
AbuBhakar
on 29/05/2024, 11:28:14 UTC
Fun fact para sa mga gamer na katulad ko:

Ang owner company ng Seabank Philippines which is SEA Ltd. ay isang tech company na nagsimula sa Garena noong 2009. Ito yung sikat dati sa online game platform bago pa sila gayahin ng Steam. Dito ako madalas naglalaro ng Dota online noing highschool pa lng ako.

Nakakatuwang isipin na sobrang laki ng expansion ng business nila na nagsimula lang sa gaming dati.  Sa info talaga na ito ako naging confident kung gaano ka trusted ang company na owner nitong Seabank since hardcore gamer ako dati.

Inabot ko pa dati na bumibili ako ng garena shells pang topup sa laro pangbili ng skin sa LoL. Pero sobrang banas ako sa client na ito dahil sobrang lag kapag sa comshop naglalaro since low speed pa mga internet dati kaya tyagaan talaga sa lag makapaglaro ng online.

Napagamit ako nitong Seabank dahil sa voucher ng Shopee. May 400php voucher kasi if Seabank payment kaya gumawa ako ng account since sobrang laking discount. Ganyan ka generous ang bank na ito at mataas ang APY sa normal balance na hindi na kailangan ilipat sa savings compared sa mga online wallet kagaya ng Gcash at Maya.