~
Parang sa lahat ng linggo na ginawa ko yung paglalaro parang umabot na din ng 0.5 AXS naipon ko. Not bad na at parang nostalgic at nageenjoy naman ako kaso nga lang wala nang nadadagdag sa rank.

Wala na kasi akong balita dito sa axie paano nag earn after mag drop ng price ng SLP, ano na ba other ways to earn dito sa axie kasi marami ako nakikitang player is still nag babalik loob pa din sila sa pag lalaro nito. Tapos ilang SLP per day and pwede mo ma earn at worth it pa din ba sya like side trip lang for entertainment?
Doon lang ako naglalaro para sa bounty na nasa mga accounts natin sa website nila. Nag cashout ako kanina siguro sa lahat ng nilaro ko 1 AXS ang nakuha ko, take note, isang panalo lang bawat araw ang kailangan ang ginagawa ko. Hindi ko na ginagawa yung ibang task para sa points dahil sa classic lang nilalaro ko. Hindi ko na alam ibang detalye para sa mga daily slp na kinikita lalong lalo na sa origin, nagbalik loob lang ako dahil sa axs bounty nila weekly. Side trip at entertainment na lang siya para sa akin tapos may konting AXS bawat linggo na macredit sa account mo basta ma fulfill mo daily requirements like 1 win per day.