salamat din po sir, about naman dyan sa mga erc20 na yan medyo nalilito pa rin ako, kung halimbawa sa metamask ko, eth ay coin sya ano naman yung erc na yan, at sa eth halimbawa ba ay hindi lang erc20? meron ba eth na erc21 or 22 etc? thanks
Answering this, Ang ERC20 ay ang technical standard para sa token sa loob ng Ethereum Blockchain. In short lahat ng altcoin na nasa Ethereum blockchain network ay under ERC20 ang tawag. Walang ERC21 and so on pero mayroon ERC721(Para sa NFT), ERC777 at ERC1155 which yung last 2 ay more on developer since para ito sa improvement ng both ERC20 at ERC721.
Bawat blockchain ay kanya kanyang technical standard ng token kagaya ng Binance Smart Chain ay may BEP20 at BEP721 at Tron network ay may TRC20 at TRC721.
Hindi ko na masyado kinakabasido ito since hindi naman masyadong importante sa dami ng blockchain ngayon. Yung mga popular na blockchain lang ang inaalam ko lagaya ng Ethereum, Tron at Binance.