Wala na masyadong pera sa axie eh compared dati kaya obvious na wala ng mag tatake ng scholarships. Mura na din ang axie ngayon, more or less 1k php is meron ka ng matino na axie team, mas ok nalang na bumili ng axie at all in na nasayo pa yung reward. Andaming naka tambay na axie ngayon, I hope magka utility ito like staking para magka kwenta yung mga naka tabing mga axie dahil sa hindi na ito worth it ibenta at ipascholar. Mas gusto pa ng mga tao na mag farm ng airdrops ngayon compared sa axie given na mas mataas ang potential earnings ng airdrop farming vs sa pag lalaro ng axie daily.
Hindi kasi nilagyan ng capped ang Axie quantity kaya naging flooded ang market. Sobrang hirap makabangon ng ganitong klaseng laro kung sobrang daming Axie ang available sa market na tipong pare2ho na ang rarity.
Sa tingin ko ay axie burn ang solution dito para mabawasan ang Axie sa market kapalit ang AXS token then lagyan ng limit per gen na pwedeng ibreed parang pokemon style para naman magkaroon ng collection purposes at hindi lang puro ranking na maliit lng nmn reward.
Ang pagkakaalam ko ilang beses na nila ginawa yang burning na yan pero ang problema kasi hindi sya long term solution sa larong kagaya ng axie na ang way to earn ay ang pagfarm. Kahit ilang burn nga naman ang gawin nila ay magkakaroon lang ng panibagong supply dahil unlimited supply sila.
Ang nangyayari ay tinatapalan lang nila yung problema ng pansamantalang solusyon at hindi naman talaga nagreresolba ng main problem na pwede pa nila kaharapin.