Agressive dapat lage, lalo na sa points in the paint. Malalaki naman sila compared sa Boston, saka yung Boston masyadong focus sa outside shooting kaya dapat mas aggressive sila para mapagod ang Boston. Ganda lang ng umpisa nila, yun talaga ang nagdala, literal na blowout.
Irving and Luka, especially Irving kung maganda ang laro niya sa game 5, baka meron tong game 7 kasi babalo sa game 6 home court nila kung saan dominate sila. Isang game lang na panalo, tiyak maging exciting itong NBA finals.
At malamang sa malamang eh ayun ang iiwasan mangyari ng Boston pag pinakawalan nila ang game 5 malamang delikado pa silang masilat ng Mavs, kahit pa sabihin nating sa homecourt pa nila gaganapin ang game 7 kung sakali medyo delikado kasi alam naman natin na choke team ang Boston kaya need nilang ibigay na lahat sa parating na game 5 para hindi na makabalik pa at makapag extend pa ang Dallas.
yung laro sa game 4 swabeng swabe para sa Mavs galing ng naging adjustments nila sa parehong side, mapadepensa at opensa talagang binigay na nila lahat at nagbunga naman kaya congrats dun sa mga kabayan nating nakasabay sa Mavs!
Grabe ang blowout na yun. Biggest na ata yun sa buong NBA finals history. Maganda execution ng Dallas dahil maaga pa lang patuloy ang atake lalo nay Kyurie Irving na halatang gusto makabawi.
Pero doubtful ako sa pinakita ng Boston. Daming plays na unusual. Tres na di man lang nakamata sa ring. Meron mga drives pwede na sana tuloy pero pinapasa pa pabalik sa team mates na di rin naman open. 3-0 tapos biglang tinambakan ng husto. Parang pinagbigyan ang Dallas para magchampion ang Boston sa game 5 kung saan sa mismong city nila ang venue.