Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa nanamang cyber attack
by
angrybirdy
on 20/06/2024, 07:28:28 UTC
Halos lahat naman ng mga corporations are tinatarget ng mga hackers na yan. Sabi nga nila "data is the new oil". Kaya lahat gagawin ng mga hackers na yan para lang makuha yung mga info ng isang company lalong lalo na yung mga customers nila. Mahina talaga ang cyber security sa bansa natin, dapat talaga mag udyok ang pamahalaan natin sa mga bagong henerasyon na tahakin yang landas na yan at magbigay sila ng incentive sa mga tatangkilik sa programa nila. O di kaya ay humingi pa sila ng mga consultants at tagapayo na malakas sa larangan ng cyber security tulad ng Israel. Sa totoo lang, ang daming cybersec experts sa bansa natin na puwedeng pakinabangan ng bansa natin at handang tumulong pero parang nasasawalang bahala lang sila.
Totoo to, sabi nga ng iba ay kahit anong level ng security ay dadating ang panahon na magiging biktima pa din sila lalo na kung hindi sila mag upgrade ng security level para maiwasan ang hacking dahil patuloy na tatargetin yan ng mga hacker ng paulit ulit hanggang mapasok nila. Pano pa ang security level dito sa bansa natin na sobrang baba na tipong hindi dadaan ang buong taon na walang magiging balita na napasok ng mga hacker.