Saktong sakto pala kung tinayaan mo yan kabayan. Ako sa -7 lang ako at di nako nag tumaya sa under or over. Pero usually talaga pag matalo Dallas matic below 100.
Tama, pero kahit nong nanalo sila, under pa rin naman. Hindi ata nag over sa buong series, kaya pag ganyan, matik na ibig sabihin, dominated ng Boston yan. Ganda ng break ng Boston, sa wakas naging champion nag sila at sila na rin ang pinakamaraming champion sa buong NBA, kaya big achievement talaga yung ginawa nila. Si Brown, after makakuha ng napaka laking contract, nag champion agad, laking motivation talaga yun.
Sadyang hirap talaga ang opensa ng Dallas laban sa depensa ng Boston. Si Luka unstoppable pa rin kaso lahat ng team mates niya nalimitahan talaga lalo na si Kyrie na superstar pero nagmukhang ordinaryo na lang sa finals na to.
Well deserved nga renewal ng contract ni Brown. Tsaka kabayan first year ni Holiday sa Boston ay champion rin kaagad kagaya nung nangyari paglipat niya sa Milwaukee. Akala ko nga masteal pa ni Holiday ang FMVP pero hirap talaga dahil focused kay Tatum at Brown ang opensa.
Nasolo na nga ng Boston ang most NBA titles pagkatapos makamit ang pang 18 na titulo ngayong season. Abang na naman tayo sa mga player movements ngayong off season.