Na access ko parin naman binance sa android. ISP ko PLDT okay naman. Kayo ba ano gamit nyong internet na blocked kayo para ma Access ang Binance? Yung stake.com blocked sa converge dun sa Paranaque, pero pag gamit ko data ng smart na access naman. Ganun din binance na access naman kahit mobile data lang gamit. May list ba kayo na blocked na ang binance? Manababasa ako na hindi na nga nila ma access ang Binance pero walang provided na kung anong ISP gamit nila.
same here, accessible pa naman. meron ba talagang lumabas na Circular galing sa SEC e-ban yung binance sa Pinas?
Circular number ba hanap mo kabayan? Baka di na nabalita ang specifics sa mainstream media. Pero the fact na nakapagrequest ang SEC sa NTC para mablock si Binance at natupad naman sa browsers ay talagang banned na nga ito sa Pilipinas. Ang problema nga lang ay maraming ways para ma-access pa rin ito tulad ng pagbago ng DNS at pag gamit ng VPN. Medyo risky nga lang VPN dahil bawal rin kay Binance ang pag gamit nito. Ang app nga rin ay working perfectly pa din although nag request na ulit si SEC kay Google at IOS para maban na rin.