Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
Fredomago
on 21/06/2024, 13:52:38 UTC

Excited ako kay Klay Thompson kasi tiyak aalis na yan sa Warriors, nabas ko lang sa mga rumors, sa magic daw yata punta niya. Si Siakam naman, may rumors na mag sign ng magandang contract sa pacers, tapos si DeRozan, okay rin mapunta sa magandang team, kahit sa Warriors, okay na yan, baka may chance pa siyang mag champion.  Si harden, la akong masyadong pake.

Yan din ang ugong ugong na nababasa ko sa mga social media post, na si Klay mukhang papunta na ng Magic wala pa naman confirmation pero baka nga matuloy kung hindi na sya maooferan ng Warriors ng halagang mapagkakasunduan nila, tingin ko lang sa Pacers kung medyo maganda pa yung budget nila since free agent si DeRozan magandang isama ito kina Siakam at kay Haliburton para dagdag sa threat pagdating sa opensa, ang magiging problema lang sa nakikita ko eh kung paano makikisama si DeRozan kasi medyo malayo na sya sa prime nya kumbaga support na lang talaga at kung ano pang pwedeng iambag sa team na kukuha sa kanya.

Tingnan natin kung tutuhanin nung owner ng GSW kanyang sinabi noon na ang goal ng team is mapanatili ang Splash brothers hanggang sa magretiro sila. Pero para saken goods na rin na pakawalan si Klay dahil deteriorating na performance niya. Pwede rin kasi babalik hunger ni Klay pag nasa ibang team naman siya. Maganda rin Magic dahil mga bata at may potential at malaking tulong rin si Klay doon dahil beterano sa kampyonato.

Di mayaman na team ang Indiana pero dapat makuha nila Siakam otherwise back to team na walang intent magchampion. Possible rin kasi na meron mga teams na mag offer ng mas magandang offer kay Siakam. Si DeRozan baka papayag na yan ng medyo mababang sahod basta championship na team. Curious ako sa movement ng Lakers ngayong off-season.

Oo nga kabayan mukhang magandang bantayan kung anong hakbang ang gagawin ng Lakers after makuha ulit ng Boston ang pinakamaraming kampeonato sa liga, pagkatapos kasi ng Bubbles naitabla ng Lakers yung 17 titles pero dahil sa nagawa ng Boston ngayon umangat na ulit sila ng isa at kung mananatili ang lineup nila mukhang palag pa rin ito hanggang sa susunod na season.

Tignan natin kung anong gagawing improvement ng lakers after magpalit ng coach at ng mga staff nito, malamang meron din player movements ang lakers kung magpupursige silang itabla ulit ang rankings.