Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Scam phone call scheme
by
Wapfika
on 23/06/2024, 16:19:25 UTC

Lumalabas talaga wala ding silbi yung Sim card registration law, nung una bago pa ito maimplement ay to avoid scam daw sa mga netizen pero nung unang mga buwan or ilang buwan lang then after nun eto na unti-unti ng lumalantad na naman ang mga scammer sa mga phone natin, ang dami nilang paraan na ginagamit at kinokopya, katulad ng share it, Gcash, maya, na iisa ang istilo at yun ay meron kang free load.

Tapos makikita mo lang sa notification ng phone mo tumatawag at nagmemessage pero hindi mo naman makikita sa mismong mga apps na pinagkopyahan nila, kaya lang once na maiclick mo yun sa notification goodbye na ang mga files mo sa phone dahil hulog kana sa bitag. Kaya ingat sa pagclick mga kabayan. Pagmay ganyan kang nabasa ignore mo nalang at block.

Pano kasi nagagamit pa naman yung mga new sim para ipang tawag agad tapos may expiration langna binibigay para I registered yung sim meaning dating gawi pa dn yung mga scammer since disposable sim card naman talaga ang gamit nila.

Dapat talaga ay hindi pwedeng ipangtawag or message ang sim card kapag hindi pa KYC registered para sa mga bagong sim para wala tlagang scammer.

Hanggang ngayon ay may mga tumatawag pa dn sa akin na scam bank dahil alam nila yung record ng bank details ko. Iniiba lng nila yung date pero bumabalik balik lang dn sila,