Siguro dalawang players lang muna pakawalan before the start of the season. Then pag meron hindi nagperform na old player ay pwede rin nila etrade before deadline next year.
Pwede rin tong ganitong set up, kung merong hindi makakapag adjust ng maayos baka isunod na nila sa trade deadlines pero sa ngayon baka nga isa or dalawa muna para lang makapag bawas ng gastos at para rin mag explore ng panibagong sistema na gagana sa mga players bago man or luma, hindi na kasi epektibo yung offense as defense eh, medyo malalaki at mabibilis na rin ang kalaban at kaya na din sabayan yung outside attacks ng GSW, unlike before na takbuhan at banat sa 3 points and malaki nilang advantage ngayon kasi kaya na rin ng mga naglalakasang teams yung ganong setup tapos kaya na rin mag rotate para humabol sa depensa,.
Napakalaking factor nga naman talaga na nasa mid 30s na sina Curry, Klay at Green. Si CP3 39 na habang si Wiggins naman late 20s pa sana pero masyadong unstable laro niya lately. Parang nakadepende sa ganda ng performance ng team ang laro ni Wiggins at di siya pwede maging main man lalo na siya ang pinakabata sa kanilang mga beterano.
Tama lang na magrisk ang Warriors ng 1 or 2 players ngayong off-season dahil proven failure na sila last season. So better do something at kung pumalpak man ay mag adjust ulit kaysa wala lang silang gawin.