Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Nablock nga ba ng mga Mobile Sim providers ang fake or scam messages?
by
inthelongrun
on 28/06/2024, 09:11:59 UTC
In the end useless lang ang sim registration dahil wala naman itong nasolve na problema ang lumalabas tuloy ay naging pera pera nalang ang nangyari dahil for sure malaki ang kinita nila sa registration dahil maraming mga sims ang madidisable nila kasama na ang mga lumang sim, magiging dahilan ito para tumaas ang kita nila sa sales.

Kung ako ang tatanungin ay possible naman talaga na maiwasan ang sobrang dali lang naman ng logic para madetect ang mga scammers pero pagdating sa technology na ginawa nila na mukang madaling mabreach, I mean when it comes to security talaga ay hindi well compensated ang mga workers lalo na dito sa ating bansa, pero alam ko naman na maraming magagaling na kababayan naten kung security ang paguusapan.

Register lang naman ito one sim per user, so that lahat ay magkakaroon ng records maiiwasan ang mga spam messages dahil madaling matatrace kung sino ang may-ari ng sim, pero mukang sa registration pa lang palpak na agad dahil kahit hindi totoong tao ay nakakaregistered parin, mukang hindi talaga sila handa para sa ganitong klase ng tech.

Sa sobrang kurakot at bulok ng ating sistema ay nagkakaroon ng maraming kapalpakan. Ang daming issues ng ating systems at parang ang dali lang malusutan ng mga hackers. Imagine kung ilang milyon o baka bilyones ang naubos sa mga yan tulad nung sim registration na palpak lang din naman. Mas mabuti pa nakipagkontrata na lang sila ng mga proven at reliable na  mga companies na magprovide ng sistem. Ang dami naman sigurong expertised foreign companies na willing makipag tie-up sa ating pamahalaan at gawin nalang necessity na magturo at maghire rin ng iilang Pinoy para sa maintenance.