Post
Topic
Board Pamilihan
Re: NBA discussion, betting and etc.
by
arwin100
on 29/06/2024, 14:19:00 UTC

Sa umpisa pa lang parang alam na ng mga tao na ma draft siya ng Lakers, at yun nagkakatotoo nga.. Good luck nalang sa kanya, sana galingan niya or kayanin mga criticism kung di maganda ang performance niya.

Yun ang kailangan nyang malampasan yung critisismo nung mga taong ayaw sa tatay nya hindi naman ito patungkol talaga sa kanya kundi patungkol sa tatay nya na kahit na halos ginawa na ang lahat para sa liga eh ganun pa rin meron at meron pa ring mga taong hindi sang ayon sa mga accomplishments ni LBJ, ngayon mas mabuti na lang na maglaro na lang si Bronny at hayaan na lang yung pumupuna sa kanya play with his heart na lang at kung animann ang magiging outcome dapat ready syan tanggapin yung resulta alam naman kasi natin na ibang level na ang NBA pero anong malay natin gaya nga ng nasabi ko, sa makabagong teknolohiya malaking tulong yun sa pag improve nyaang importante makapaglaro sya at yung mga susunod eh sa hinaharap na natin malalaman yun.

Sobrang lala ng pressure nyan lalo na kasama pa nya tatay nya. Dahil alam naman natin na dominante si Lebron at kaya pumuntos ng maramihan at kung hindi iyon ma provide ng anak nya malamang magiging kakatawanan sya at sasabihin na na draft lamang sya sa tulong ng kanyang ama. Kaya sana nga mag perform sya ng maigi para mapatahimik nya yung mga pumupuna sa kanya at saka maiwasan narin yung pagtawag sa kanya na expensive waterboy or di kaya Thanasis 2.0.

Ibang level ang NBA at dala nitong pressure pero tingin ko pilit na pilit yung pagpasok ni Bronny at di pa talaga sya ready. Pero ginusto naman ni Lebron yan para makagawa ng kasaysayan kaya dapat gabayan nya lalo anak nya para di ito maapektohan sa possible bashing na matatangap nito. Bata pa naman si Bronny at kaya pa yan mag improve.