Curious lang ako kung meron ba dito na Bitcoin OG na naka claim ng refund sa Mt Gox? Sa pagkakaalam ko kasi ay madami din pinoy na active dito sa forum nung panahon na open pa ang Mt Gox kaya malaki ang chance na baka may mga affected user dn dito since Mt Gox ang pinaka popular na exchange noon.
Sobrang laking blessings siguro nito kung sakaling may kabayan man tayp na nabiyayaan ng refund since sobrang laki ng makukuha nya dahil maliit pa ang value ng Bitcoin noon at sobrang dali makaipon ng 1BTC kahit faucet lng ang gamit.
Totoo ka dyan malaking profit yan at timing pa na ang presyo ng Bitcoin ay nasa $64 hindi kayang ibigay sa yo ng kahit na anong bangko o company ang ganyang kalaking profit, instant millionaire ka agad so far wala pa akong nabasa na pinoy na nag trade sa Mt. Gox maging dito sa forum natin wala tayong member na nag post tungkol sa trading nila sa Mt.Gox recently madali lang makakuha ng isang Bitcoin noon kung isa kang serious investor.