Curious lang ako kung meron ba dito na Bitcoin OG na naka claim ng refund sa Mt Gox?
I read something here na merong pinoy dito na naka Mt Gox user din. Pero alam ko eh parang its either nakalimutan niya yung password or parang di na siya interesado to get it. Kase natanong ko din siya dito as our discussion goes, nakalimutan ko lang kung anung thread yun.
So far wala akong nakikitang pinoy na may claim sa Mt.gox at tingin ko sobrang kunti palang ng mga pinoy ang nakilahok sa alinmang aktibidad na may kinalaman sa crypto. Since wala pa talaga akong topic na nakikita na nag claim na isa sila sa biktima ng past scamming issue ng Mtgox. Pero kung may biglang lumitaw at mag pakita ng kunting proof ay sobrang swerte narin nila kung isa sila sa nabigyan ng refund dahil tiyak sobrang laking halaga ang nakuha nila lalo na ngayong sobrang taas ng presyo ni bitcoin.
Tinry kong hanapin yung sinasabi mong post or topic pero di ko nahanap yun, baka natabanunan lang sa sobrang luma na talaga ng issue na yan.