Tingin niyo, yung recent pump ng Bitcoin na umabot ng $69,000 eh dahil jan sa speech ni Donald Trump tungkol sa Bitcoin?
Worried din ako what if itong mga politicians na nangagampanya eh baka ginagamit lang ang Bitcoin para maka kuha ng madaming boto sa Bitcoin community at hodler.
Nakita kasi nila na lumalaki ang community ng mga Bitcoiners at ito ang isa sa mga target nila na kunan ng boto kasi nga si Kamala Harris ay nagpahayag na, na susundin nya ang policy ni Biden kung saan ay ang mahigpit na regulation at crackdown sa Cryptocurrency.
Dito sa sector na ito sila kukuha ng boto, ganun naman talaga ang strategy ng mga pulitiko aaralin nila kung saan sila makakakuha ng suporta at kung saan mahina ang kalaban doon sila magpapakita ng lakas, kaya ang mga Bitcoiners ay susuporta sa kanya hindi lang sa US kundi maging sa labas ng US.