- Hindi kaya nagiging paraan na yan ng mga hackers na ibabalik nila tapos may rewards pa silang makukuha o matatanggap. Tapos magmumukha pa silang walang ginawang masama,Parang manipulation nalang ang ngyayari dito at yung hackers ang may control kaya talagang maeexploit talaga yan.
Regardless sa strategy ang mahalaga is maibalik iyong na hack na amount. Ang grupo ng hacker na nghack due to vulnerabilities and at the same time ay binibigay ang details ng weakness ng security para mapatch ito at ibalik ang nahack na amount is a good reason na mabigyan sila ng pabuya.
Kung ang hacker iyan ay gusto lang nakawin ang anumang makukuha sa network na kanilang nahack ay isang malaking pinsala at abala ang magagawa nito sa mga developers at holders dahil siguradong hindi nila ibabalik ang nanakaw nila.
Hindi kaya dahil sa ngyari before na ganyan ay uulit-ulitin lang talaga nila yan at malamang isang grupo lang din itong mga hackers na ito? Parang mas lalong nagiging rampant ang mga hacking issue ngayon sa kapanahunang ito. Dapat mas paigtingin ng Ronin network yung kanilang sistema para hindi mangyari ang mga ganitong mga problema.
Kung ang gagawa naman ng hacking ay mga whitehackers at ibabalik nila ang pondo ng nakuha nila ay ayus lang dahil tumutulong sila na maimprove ang security ng isang network. AT talagang dapat na mapatch nila at maayos ang mga vulnerabilities ng kanilang network kung hindi ay isa nanamang malaking kawalan sa mga holders at investors ng Ronin network kung mahahack ang kanilang network at makuha ang mga funds na accessible dun sa exploit na ginawa ng hacker.
laglag naman ronin price nito along with AXS and SLP.
Ganyan talaga, may hack man o wala parang wala namang nangyayari na sa Ronin. Sayang lang at mabagal ang galawan pero antayin ko pa rin hanggang next year. Nadamay ko pa tuloy mga kaibigan ko na walang alam sa crypto haha. Nagtanong kasi sila kung ano mga binibili ko, sabi ko ron nag iipon ako at naghohold tapos biglaan nalang palang nagsibilihan. Ang siste tuloy parang kasalanan ko pero sila naman ang bumili out of their will kaya, kung tutuusin wala akong guilt pero dahil nabanggit ko. Parang feeling sorry tuloy ako sa kanila dahil nga hindi masyadong gumagalaw at bumagsak pa, pare parehas kaming losses ngayon.
Daming na burn kasi sa mga investors sa kanila kaya talagang malaking porsyento ng mga investors ang wala ng tiwala sa mga developers ng Ronin. Tapos nangyari pa itong panibagong hack. Ang insidenteng ito ay nagpapatunay ng incompetence ng mga developer at security team ng nasabing proyekto.