Incompetent sila, pangalawa na ito at hindi dapat magbigay ng reward kung tutuusin dahil kayang mapigilan yan kung meron pala silang reward sa mga nang hack sa kanila ay dapat nilaan nila noong una pa sa penetration testing at iba pang bug bounty programs nila. Kaso wala, saka lang sila gagalaw kapag nahack na at nagalaw na sila. Malaking pondo tapos malaking halaga din ang nakuha. Pero kahit ganyan, naipit na din naman ako sa investment ko sa RON, antay nalang din ako dahil wala naman na din akong magagawa.

- Siguro nga karamihan na mga investors sa Ronin network ay majority ay wala ng tiwala at assuming na lahat sa mga ito ay wala na talagang tiwala ay wala naring pag-asa na makarecover pa ang Ronin nyan at bumagsak na value ng lahat ng coins under ng ronin network
Pero sa reality, sang-ayon ako na meron parin talagang magiinvest dyan na magbabakasakaling umangat ulit ang price na tipo bang aasa sa swerte at magtake narin ng risk.
Ganyan lang talaga dito sa market at sa mga ganitong projects. Tiwala at pera lang ang puhunan, naging okay naman sila dati kaso kapag may isa pang breach na mangyari in the future tingin ko katapusan na nila. Kahit sobrang optimistic nila at ng mga users nila, investors pa rin at traders ang magdidikta ng demand nila sa market at kapag nawala na confidence ng mga yun, sigurado bagsak ang presyo ng mga native tokens nila kaya kung may mga resources pa silang natitira, iinvest na din nila pero sa security na.
Nakabangon din naman agad sila and I think ok na yun since wala naman masyado na apektuhan sa latest hack na nangyari sa kanila. Ang siste lang ay pinakaba ng white hat hackers ang mga tao at kumobra lang ng bountry rewards sa Skymavis.
Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago sa kanila dahil napaglipasan na sila at mahirap na bumalik yung dating price since yung tiwala ng tao ay nabawasan na talaga. Sa ngayon e enjoy nalang yung makukuha sa bounty rewards habang meron pa dahil dun makabawi ng paunti unti yung mga nalugi at patuloy na gatasan ng kaunti para naman dun sa mga kumita na dati.