Post
Topic
Board Pilipinas
Re: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko
by
Fredomago
on 30/08/2024, 13:16:32 UTC

        -       Mukhang lahat naman ata tayo dito ayaw na sa banko dahil sa sistema na meron ang mga ito. Kaya pala yung ibang mga mayayaman ay hindi lahat ng pera nila ay nilalagay nila sa banko.

Kumbaga maglagay man sila ay yung amount na kaya lang nilang mawala sa kanila at kung sa mga ordinaryong bank holders ay tama lang na amount amg nilalagay at hindi kalakihan, in short, limitado lng din.

Ung mga mayayaman na marunong makisakay sa pag gamit ng sistema ng pagbabanko kadalasan naglalagay sila ng pera parang ginagawang collateral para makautang sila, tutal dun naman kumikita talaga ang banking system sa pagbibigay ng loan ayun din ang ginagawang way ng mayayaman para mapakinabangan nila ang sistemang ganito, hindi sila maglalagay ng pera para ipatago sa banko at para patulugin lang kundi para magamit nila yung same system sa kanilang sariling pakinabang.

Hindi kasi lahat merong ganitong kagandang prebilihiyo kumbaga kaya ung mayaman lalong yumayaman kasi alam nila paganahin yung makinaryang pwede nilang pakinabangan, madalas kasi sa normal or sa mas mababang antas ng pamumuhay ginagamit nila ang sistema ng banko para ipatago yung kakarampot nilang pera at ang mas nakikinabang eh yung banko dahil sa maraming paraan na pwedeng pakinabangan yung hawak nilang mga savings ng mga cliente nila.