Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Alleged Crypto Scam Hub Na Raid sa Parañaque!
by
GreatArkansas
on 08/09/2024, 11:43:10 UTC
(....)
Tingin ko ito yung mga unknown trading platform na need mag create ng account at dun ka bibigyan ng profit kuno but not actually rolling profits onchain but hence dun lang sa platform mismo. May friend na me na nabikitima ng ganito style. Laki na daw profit niya pero nung tinanong ko anogn exchange never heard. Natuwa na nga ako kasi involved na siya pero nung nalaman ko yung platform parang nagworry na ko kasi hindi siya binance or any known legit so far. So ayun nga scam.

Buti nga sa 400 na nahuli, kakapal ng mukha. Nakakahiya yung mga pinoy na involved sa ganyan dyan nila ginagamit experience nila sa crypto whereas puwede nila ito magamit sa maganda at tamang paraan.
Ito yung downside ng mga ibang tao na bagohan sa cryptocurrency din, madaling mapanila.
Nakakainis din minsan sa mga balita eh, di sinasabi yung boung detalye for example ay yung Crypto Scam Hub, dapat isabi nila ano yung modus nila sa cryptocurrency para makatulong sa mga tao na maiwasan ito at ma alerto pag may nakitang ganito, mas makakatulong yan para mas masyadong mabawasan mga illegal or scams sa Pilipinas.

Unfortunately, mukhang 99 na tao lang ang hinuli nila kahit 400+ and mga tao dun [not sure kung bakit hindi nila hinuli yung ibang members]
Hala bakit ganun, dapat lahat sila since lahat sila dun eh involved. Hate to say it baka naman may bayaran nanaman na nangyari sa part ng mga may sala na yan.

Dapat mas maging mahigpit ang Government sa mga ganyang company or users na patuloy na nangsscam ng mga tao kasi kung light lang ang punishment uulit at uulit lang sila kung hindi man ngayon magllie low lang.
Nakakagulo ang mga balita hahaha,  sa Philstar 414 daw, sa pna.gov.ph ay 99.
Siguro yung iba ay pinakawalan kasi foreigners at di masyado mabigat yung involvment nila? Or yung ibang nahuli eh pina deport or mga di talaga direct involved sa crypto scam hub?