Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Alleged Crypto Scam Hub Na Raid sa Parañaque!
by
serjent05
on 11/09/2024, 22:43:59 UTC
Grabihan and balita into, pati pala and cryptocurrency involved na din sa talamak na scam as Pilipinas sa loob ng mga POGO facilities.

Matagal ng maraming scam sa cryptocurrency dito sa bansa.  Way back 2016 kasagsagan ng pagsikat ng Bitcoin, maraming mga HYIP, Binary company at Ponzi schemes ang gumamit sa cryptocurrency para makapanloko ng mga tayo.  Iyong mga dati kong kakilala sa MLM madalas nagpupunta sa bahay para ipakilala ang Bitcoin at kumpanya nila na nagoofer ng investment scheme kung saan ang pera ay lalago ng more than 100% in just few months. 

Marami ring naloko ng ganitong sistema kaya hindi na bago sana nga lang ang ganitong klaseng raid ay noon pa nila ginawa.

For sure, may kinalaman din siguro and pag scam ng Bitcoin din dito kasi may nasabing "manipulated cryptocurrency platform".
Curious ako ano and modus dito, siguro pekeng trading exchange or mga Bitcoin doubler like deposit mo Bitcoin mo at magiging double?
Ano masasabi niyo?

Since sikat at may value na ang Bitcoin, talagang kasama ang Bitcoin holder sa mga gustong scamin ng mga taon sa likod ng scam na ito.  Tulad nga ng sinabi ko, hindi na ito bago.  Ang malungkot nga lang ang mga tao hindi nadadala.  Pasok pa rin sila ng pasok sa mga ganitong klaseng scam kahit na nascam na sila noong una.