Ang problema lang kasi talaga sa mga kababayan natin, e medyo mapagpaniwala sa mga ganitong sobrang obvious na scams. Masyadong makapit sa mga pangako ang karamihan sa mga Pilipino kaya kahit na obvious na kukunin lang ang pera nila e sige pa rin sa invest.
Meron akong kilalang doktor na kumikita naman ng malaki dahil meron silang sariling private na ospital. Nakareceive lang ng SMS blast from an unknown number na nangangakong magbabalik ng 110% investment in 1 week e nagpadala agad ng 300k + 100k na hindi iniisip na talamak ang mga ganitong uri ng kalakaran. Ayun, hanggang ngayon e nakikipag-coordinate pa rin sila sa bangko at sa mga pulis para mabawi yung pera, pero malamang e hindi na nila to makuha kasi nawithdraw na agad yung funds at hindi nagrereverse ang bangko ng mga spent funds na.
Payo lang sa mga kababayan nating gipit dyan, kung kailangan niyo ng pera o gusto niyo kumita ng malaki, palagi kayong kumonsulta muna sa Reddit, sa mga kakilala niyo, o dito sa forum na ito bago kayo maglabas ng malaking halaga. Mahirap kitain ang pera ngayon para sa mga tapat lumaban, pero sa mga scammer na kagaya ng mga fake lending and investment apps na nangangako ng malaking balik sa mga tao, onting hilot lang nila sa pulso ng mga biktima nila e easy money na sila.