Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Thanks bitcoin and cryptocurrency for the opportunity
by
Ben Barubal
on 03/10/2024, 05:16:38 UTC
       Sana all sabi nga ng iba, congrats sayo kabayan,  nakakatuwa naman isipin na yung pagsusumikap natin na manatili dito sa field ng cryptocurrency sa pag-aasam na magiging kasangkapan ito sa mga naisin nating mangyari sa buhay basta huwag susuko o bibitaw ay siguradong meron at merong magandang resulta na mangyayari kagaya nalang ng nangyari sayo op.

      Sana dumating din ako sa puntong makapagpundar din ako ng bahay na hindi man kalakihan basta masasabing akin ay sobrang saya ko narin na dahil sa cryptocurrency o bitcoin ay makakamit ko ito, bagamat sa ngayon kailangan ko pang magpursigi pa at magsumikap para sa pangarap na gusto, at sana ay lahat tayo ay maging matagumpay sa bull run na ito para makakuha din ng maganda-gandang kita sa hinaharap.