Tingin ko kung bakit mas nauna pa ang Ukraine kumpara sa bansa natin dahil sa nangyayari doon. Mga donations sa kanila na pinapadala ay crypto para mas madali at hindi na dadaan pa sa mga bangko pero ang question naman doon ay kapag nag exchange sila. Parang naging means of transfer talaga ang crypto kaya mas naging puntos yun kung bakit naging pang lima sila at pang anim ang bansa natin kahit na masasabi nating madami na talagang nasa crypto dito sa bansa natin. Wala lang naman yang mga rankings na yan, kahit maging top 1 tayo kung ang gobyerno naman natin ay hindi cooperative at banned pa rin mga exchanges, walang sense yung ranking.
if maging top 1 tayo ibig sabihin nun boss pati government natin possible gumagamit nadin ng digital money like bitcoin and other crypto payments all over sa country natin, although parang ang hirap niyan maabot dahil nga sa ang hirap pasayahin ng ating goverment napakadami ng magaling at may personal agenda.
Base sa article bossing, number 1 ang India na may malaking pataw ng tax sa crypto at parang 30% ata yun. Kung ang basehan ng adoption ay pati ang government natin na gumagamit na din ng digital money o ng crypto sa mga services ay dapat number 1 na diyan ang El Salvador dahil legal tender ang Bitcoin sa kanila. Kaya yun lang para sa akin, hindi talaga mahalaga kahit maging mataas o mababa ang rankings diyan dahil ang pinakamahalaga ay yung mismong crypto movement sa bansa.
Tama pala ako sa sinabi ko dahil sa mga donations nga.