Oo nga eh, sana ol na lang talaga sa kanila. Hindi naman ako tinamad kasi sa background lang naman sya mag rarun while using your computer, easy setup lang naman sya, gagawa ka lang ng account, download ng browser extension o desktop node, tapos yun na, hahayaan mo na lang. Ako more or less 8 hours madalas naka grind. Nabasa ko sa Discord na basta maka 500 points daw ay may makukuha na but not sure.
Nagra-run ka ba ng isa sa desktop mo? Yung kaibigan ko bumili ng laptop at mas mababa daw ang points kapag laptop pero kung desktop doble daw ang points. Hindi ko pa natry kung totoo pero yun ang sabi niya. Ewan ko ba kahit na parang sure money, tamad na tamad pa rin ako diyan sa grass pati sa ibang katulad niyang projects na need mo lang i-run sa background ng pc/desktop. Sa mobile din ba available kasi may mga nakikita akong nagse-share ng points nila sa season 2 gamit smartphones nila?
Parang nakita ko nga din yan sa bitpinas ata na post yung nag nag share sya ng pag gamit ng grass sa multiple phones nya tapos sabi kasi is bawal daw ang same network so ginawa ata nung sender is gumagamit sya ng phone data tas hinayaan nya nalang, paldo nga kung ganun. If pwede sa phone ideal din sa mga active sa pag gamit ng device nila cons nga lang is data medyo sakripisyo ka ng battery health.
Regarding sa node ang gamit ko is laptop and extension im not aware with this na mas mabagal ang pag gamit ng laptop kasi sa network lang naman ng wifi ang mahalaga di ba?. Correct me if im wrong.