Nagra-run ka ba ng isa sa desktop mo? Yung kaibigan ko bumili ng laptop at mas mababa daw ang points kapag laptop pero kung desktop doble daw ang points. Hindi ko pa natry kung totoo pero yun ang sabi niya. Ewan ko ba kahit na parang sure money, tamad na tamad pa rin ako diyan sa grass pati sa ibang katulad niyang projects na need mo lang i-run sa background ng pc/desktop. Sa mobile din ba available kasi may mga nakikita akong nagse-share ng points nila sa season 2 gamit smartphones nila?
Laptop gamit ko. Hindi ako sure dyan sa sinabi ng kaibigan mo, I think pareho lang naman kasi pareho naman silang computer mapa desktop man yan o laptop. Nagkakaiba na lang siguro dun sa multiplier, kung pareho mong gamit yung broswer extension at desktop node ng sabay sa setup mo. Malaking contribution din sa points mo kapag meron kang referrals.
Salamat sa input kabayan. Sasabihin ko nalang sa kaniya kung ano ba talaga at pati itong sinabi mo baka sakaling magbago. Macorrect ko lang din, parang mini laptop ata yun kaya mas mababa ang processing power pero ewan ko lang kung ano talaga sa sinasabi niya kasi parang discouraged siya habang sinasabi yun sa akin pero ang mahalaga pasok na sa season 2 at may nasimulan na siya.
Oo merong trick para mapagana mo rin ito sa mobile gamit ang Kiwi Browser.
Ginagawa mo ba ito kabayan at sulit ba? hindi agad agad madrain battery ng phone?