Hindi mo naman masasabi yan kasi panigurado noong mga panahon na yan ay may iba kang mga pangangailan lalo na at college student ka pa lang noon.
Matagal na rin ako dito sa crypto at naalala ko pa maraming hindi naniniwala dito at tinatawag pa itong "scam". Katunayan, hanggang ngayon pa rin naman hehe. Matatawa na lang din siguro ako kasi sa pagka-alala ko may mga cinonvert pa akong BTC to cellphone load gamit ang coins.ph

Ang maaari na lang natin gawin ngayon ay mag move forward imbes na mag muni-muni sa mga pagkakamali natin. Lalo na ngayon bull run, marami oportunidad para kumita ng pera. HODL is key.