Unang una, assumption lang naman si Satoshi, wala pa ding concrete evidences na magsasabi na siya talaga ang founder or whatsoever na pwede nating ilink sa bitcoin. Isa pa sinabi na din ng forbes na hindi nila binibilang ang yaman ng PRESUMED owner or founder ng bitcoin although estimated na networth ni "satoshi" ngayon is 106 billion dollar.
Pero hindi pa din talaga maiiwasan na isama siya o sila sa list na may malaking kayamanan sa buong mundo. Dahil kapag kaperahan at networth ang usapan, ang daming interesado talaga makinig at malaman kung magkano ang tanging yaman nila sa mundong ito. Kaya mapapresent man o hindi si satoshi pero kung may estimation na kung ilang bitcoin meron siya o sila, hindi talaga maiwasan na hindi isama sa list yung pangalang Satoshi Nakamoto.