Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SEC Draft Rules for Crypto Assets Service Providers in the Philippines
by
Adreman23
on 08/01/2025, 12:09:59 UTC
Ano ba goal nang crypto , diba nga para hindi makontrol nang isang entity? , kaya sa SEC na yan wala din sa ayos parang BIR lang yan pag walang tax illegal sa paningin nang IBA. Hindi mo maiiwasan ma overused ang crpyto sa bangko nga nagkakaroon nang inside job. Mas maganda tumutok nalang sila kung paano i adapt ang digital asset turuan ang mga pinoy  kung paano gamitin nang maayos para di rin maloko ang karamihan.
Ang crypto tulad ng bitcoin ay isang decentralized na kung saan hindi talaga makokontrol kahit ang painakamakapangyarihang bansa pa.Pero ang bawat bansa ay pilit etong nereregulate dahil sa madaming rason kesyo para daw protektahan ang kanilang mamamayan lalo na sa mga scams at isa na ring dahilan ay para kumita or pagbayarin ng tax ang anumang crypto projects na balak magoperasyon sa isang bansa tulad na lang dito sa pilipinas. Sa aking opinyon lang kahit pa pinipilit talaga ng gobyerno na eregulate ang cryptocurrency ay darating ang panahon na mangingibabaw talaga ang gusto ng karamihan at eto ang decentralization lalo na pagdating sa isang currency o pera. Darating ang panahon na hindi ka na mangangamba mag ipon ng bitcoin tulad ng pangangamba mo sa inipong pera sa bangko na bumaba ang buying power dahil sa inflation.Darating ang panahon na kahit ang mga matataas na opisyales ng gobyerno ay kailangang magbanat ng buto para kumita ng bitcoin. at ang lahat ng tao ay magiging patas sa pagkita ng bitcoin.