Recently nag open ako ng Binance para sana subukan ulit mag P2P since matagal ko ng hindi nagagamit ito. Na curious din kasi ako kung working pa dn since may bagong news about coinbase na papasok sa PH while Binance na wala padn license ay nakakapag operate pa dn.
Nagloloading lng sakin lahat ng coins tapos minsan balance lang kita while walang mga price. High speed internet namin kaya nagtataka ako kung bakit ganito kabagal.
Unti2 na ba nalilimit ang access sa Binance app?
Na curious ako nung nabasa ko tong post mo at may balance pa naman ako sa binance na naiwan. Pero so far naman na access ko pa sya at naka pag trade ngayon pang din.
Withdraw ko nalang yung funds ko dun at baka magka totoo yung di na talaga ma access si binance kahit sa mobile app pa.
Hopefully wag naman sana ma limit o matanggal na talaga si Binance dahil gaya nga ng sinabi natin dati may convenient talaga itong gamit kompara dun sa ibang exchange sa pinas.
Medyo bumagal kasi talaga sakin lately pero oks sya kapag may VPN meaning there’s something wrong gamit ang normal IP ko from ISP. Play safe knlng dn since sobrang laking abala kung sakali maghold ng funds Binance since banned sila sa bansa natin.
False alarm pa siguro ito pero wait natin feedback ng ibang user baka kasi depende sa ISP provider natin kung nakikipagcooperate na sila sa pagban sa Binance app.
Converge ISP namin ngayon for reference lang.
Wala din naman akong nababasang update tungkol dito at kaya di pa natin ma confirm kung may mga changes ba gaya ng naghigpit sila or sadyang false alarm lang talaga ito.
So far talaga kahit ngayon ok parin si binance sakin at di ko na experience yung delay na ganyan. Try mo siguro gumamit ng prepaid load to check kung bumagal ba talaga since kahit gumamit ako ng mobile data ay ayos parin naman.
Gumagamit pa din pala kayo ng Binance?, as per my last use kasi sobrang bagal nya kaya nag transfer na agad ako ng funds tapos yung website naman nya is hindi na ma-access din, as recommendation din ng mga ibang user is mag palit lang ng DNS kasi ung mga ISP natin nag bibigay lang sila ng static kaya pwede natin to palitan sa DNS sa network configuration lang. Meron pa din ako nito sa phone so far sobrang bagal kaya nag palit nalang din ako ng exchange which is MEXC ang baba pa ng fees din tas transfer sa local na Coins.ph.
Oo since itong exchange ang mas convenient para sakin pero unti unti nakong nag pack up dito since parang wala na atang chance na magka license pa si Binance sa bansa natin since di naman sila gumagalaw para maging legal sila dito sa bansa natin.