Recently naka received ako ng notification or notice from maya app para sa mga users nito na wag tatanggap ng pera sa hindi kakilala or hindi alam ang pera kung saan galing ang pera kasi daw ito ay maaring ginamit sa money laundering.
Ito tanong ko, kung sakaling sainyo mangyari na nakatanggap kayo ng bitcoin sinend sa bitcoin address nyo ano gagawin nyo dun sa bitcoin na natanggap nyo. Ako honestly hindi ko alam gagawin, siguro mag wait nalang akong may mag contact sakin about dun sa na send sakin na BTC.
Siguro the best thing to do sa ganyang sitwasyon ay maghintay ng ilang buwan kung may mag claim ba nung natanggap nating Bitcoin at isuli ito since wala naman talaga tayong ibang choice kundi mag hintay.
Pero kung may way naman na hanapin yung nag send ng funds ay gagawin ko yun dahil mahirap na masangkot sa mga illegal na bagay lalo nat madali na tayong ma trace ngayon dahil nag bigay tayo ng KYC sa mga platforms kung saan naka register ang ating wallet.
Tsaka sure naman na makikita natin transaction history kung san galing yung funds so siguro mainam kung balik nalang natin dun para makaiwas sa stress sa pag iisip sa funds na aksidenteng natanggap natin.