Naiskam ka na ba? Kaibigan? pamilya? Mag-ingat tayo sa mga scammer!
12 uri ng SCAM sa Pilipinas
1. Online Shopping Scam
-- Napakarami ang customer sa bansa natin na mahilig sa online shopping. Mag-ingat tayo sa mga scam sellers.
Marami ang nagbebenta na nakaw lamang ang kanilang gamit na picture. marami ang nanghihingi ng downpayment at maglalamho nalamang.
Marami rin ang naniningil na ng buo at biglang mawawala ang nakablock ka na agad pag nakuha ang iyong pera.
2. Fake Online Lending Companies
-- Mga kumpanya o grupo ng tao na nanghihikayat na mag-invest ka upang kanilang ipautang na may malaking porsyentong babalik sayo.
kadalasan ay sinasabing Lending ito na mostly pinapautang sa mga casino players. papangakuan ka ng 10-20 percent na balik kada 1 linggo o nasa 40-80 percent kada buwan.
3. ATM/Card Skimming
-- Ang card skimming or Data scmming ay isang urio ng scam kung saan ginagawa sa ATM machine. nilalagayan nila ng mga magnetic stripe ang machine upang kopyahin ang datos ng gagamitin nito.
May iba naman na tao din na sinsadyang maipit ang card ng susunod sa knila upang makapag widrfo dito.
4. SIM Swap Scam
--The "palit SIM" scam, or SIM swapping, is a growing online fraud in the country. Mag-ingat tayo sa mga nagpapangap na agent upang palitan ang inyong sim para mas bumilis ang inyong network.
meron na rin ngayon na mga nafoforward sa ibang number or email ang text sa inyo. dito pumapasok na magamit ang OTP na matataggap mo dapat.
Ang ating number ay mahalaga dahil sa mga OTP at mga online baking na meron tayo.
5. Phishing or Email Phishing (Online Banking Scam)
--Never Click a link! Marami ang nagpapadala ng email sa atin na hindi naman natin alam kung san galing.
huwag natin i click ang mga link sa loob ng email na hindi naman legit, maging mapagmatsag sa mga sender details. at kung wala ka naman nirequest na email.
Lalo na yung mga nasa spam/junk folders ng email natin.
6. SMSishing
Parehas lamang ito sa Email Phishing, Ito ay matatanggap mo naman sa using cellophone sa message folder. TEXT!
7. Email/SMS Spoofing
--Mas marami ang nabibiktima nito dahil ang sender ay nakopya ang mga legit company. hindi number ang lalabas na sender bagkus pangalan ng kompanya gaya ng Smart, Globe. Gcash or Maya at iba pa.
8. Lottery Scam
--Ito yung madalas mong matanggap na tawag na nanalo ka sa raffle kahit wala ka naman sinalihan, naranasan ko pa dito yung raffle ni Kopiko Blanca na nanalo ako ng 448 thousand pesos.
Ito rin yung sasabihan ka pang magpadala ng pera para maprocess ang iyong napanalunan at madalas mong sabihing abonohan nya na muna at pang natanggap mo ang iyong peremyo at gagawin mong sampung ulit (pag marami kang oras)
9. Money Mule Scams
--Mag-ingat sa mga text at email dahil sa mga natatanggap na link sa mga message ay magamit ka sa mga money transfer or ikaw mismo ang mawalan sa transfer na ito.
10. Identity Theft
--Napakalaking problema nito sa buong mundo dahil sa Identity theft na ito madalas makaligtas at makatakas ng mga scammer.
Nagagamit din ito upang makuhanan ng pera ang iyong mga kakilala at pamilya. isa rin na madalas bilin sa black market ang mga identity informations nga mga tao.
Marami rin ang gumagamit ng mga nakaw na aidentity sa online platform upang makapang scam, kaya madalas naipopost ang mga wala naman talaga sala at napagbibintangan dahil sa ioidentity theft na ito.
11. Romance Scams
--Romance or Love scam, isang sikat na scam na madalas mabiktima ay mga baguhan sa online. Madalas ito sa mga dating app, nagkaroon pa noon na husband for sale.
Natatandaan mo ba yung balita dati o kwento ng kakilala mo na magpapadala ng pera para yung pinadalang mga gamit sayo ng boyfriend online ay makuha mo dahil need may bayaran para iclear ng custom ang padala box o balik-bayan box? Binili lahat ng gusto mo at pangarap, may pera pang laman sa box at matatamis na tsokolate.
12. Investment Scams
--Madalas na biktima nito ay mapepera na naghahangad ng mabilisang kita, mataas ang interest na balik sa pera sa maikling panahon.
Yung iba naman nagsasanla o nagbebenta ng bukirin at kalabaw parti bahay at lupa nila uupang mainvest dito. Pagnakuha na investment mo, maglalaho na sila.
MAG-INGAT tayo! sa panahon ngayon habang pabilis at pataas ang teknolohiya ng ating mundo, dumadami rin ang pang iiskam.
Matatalino ang tao na ginagamit naman sa panloloko ng kapwa. maging maingat tayo sa mga transakyon na ating sasalihan.
Crypto man yan pero CASH, mahalaga yan sa mata ng MAGNANAKAW!
Share mo na rin dito kabayan kung anong scam pa ang nalaman mo para maiwasan ng ating mga kababayan.