Ito tanong ko, kung sakaling sainyo mangyari na nakatanggap kayo ng bitcoin sinend sa bitcoin address nyo ano gagawin nyo dun sa bitcoin na natanggap nyo.
Ang unang bagay na gagawin ko is ififreeze ko agad yung UTXO para hindi ko maigalaw by accident... Ang susunod na gagawin ko is susubukan kong hanapin ang tunay na owner
[through online forums (kung walang trace, gagawa ako ng thread at maghihingi ako ng signed message) at labeling platforms].
may mga dust din bang tinatawag sa BTC yun yung mga parang way ng other attacker to bait your seed and stole your funds?
Yes, pero ang main purpose ng dusting attacks is de-anonymization para maidentify nila ang owner ng mga targeted address, so madalas ginagamit din ito ng mga government agencies.