Share ko lang experience ko ulit kay coins.ph, madalas ko silang gamitin para lang mag exchange at mag trade ng mabilisan. Tapos nagtry ako mag send ng mga xxxx amount ng USDT sa kanila para ibenta dahil need ko ng funds, ito yung bumungad sa akin. Madali lang naman yung form pero parang nakakahassle naman na need mo iverify at magfill up ng form na sayo yung funds.
Never experience that situation pero I think gusto lang siguro nila maklaro na ikaw ba mismo yung nag send sa funds na yun dahil baka suspicious yung destination sa platform nila yung destination ng funds na sinend mo.
Pero natanggap mo din ba agad pagkatapos mo ito e verify?
Natanggap ko naman agad kahit di ko pa vineverify pero nagverify pa rin ako. Siguro tama ka nga na gusto nila malaman kung sa akin ba talaga pero imposible naman kasi magkaroon lang ng random na sending ng fund sa address ko kung hindi ko naman gagawin.
Ganito pala, basta above 50k may verification na dapat maganap. Dati wala nito kaya nagulat lang ako dahil medyo mataas yung amount na ginawa ko ng isang bagsakan kaya parang kinabahan ako.