Alam nating may fixed supply ang Bitcoin na 21 million BTC, pero alam mo ba na ang huling Bitcoin ay inaasahang mamimina sa taong 2140?

Dahil sa halving cycle ng Bitcoin tuwing 210,000 blocks (bawat ~4 taon), unti-unting bumababa ang rewards ng mga miners:
- 2009: 50 BTC bawat block
- 2012: 25 BTC bawat block
- 2016: 12.5 BTC bawat block
- 2020: 6.25 BTC bawat block
- 2024: 3.125 BTC bawat block
- 2028 (upcoming): 1.5625 BTC bawat block
- .....
- 2140: 0 BTC bawat block (huling Bitcoin na mamimina)
Ano ang Mangyayari Kapag Wala Nang BTC Rewards?Curious ako ano mangyayari, like magpapatuloy pa rin ba ang mga miners sa pag-secure ng Bitcoin network?
Para sakin, dito na siguro ma uutilize ung layer-2 solutions. Posibleng mas maraming gagamit ng Lightning Network para sa maliliit na transactions, at ang Bitcoin main blockchain ay para sa malalaking transfers na lang.
What do you think guys?- Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
- Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?