Exactly, may mga kababayan pa rin tayo na ginagamit yan kahit na banned at kahit nga ako parang natetempt ako pero hanggang ngayon pigil pa rin.
Di ko din masisisi yung ibang kababayan natin talaga since mababa din naman kasi ang fees ni binance tsaka sure tayo na malaki ang volume ng mga coins na tinetrade natin kaya confident talaga ang mga tao na mag trade dun.
Yun nga lang talaga na ban lang talaga ito ng gobyerno natin kaya wala tayong choice at pillin na sundin sila or mag ingat sa mga platform na sobrang strict para di maipit ang mga pera natin.
Madami din kasing features na ang ganda ganda kung kaya ang hirap na iwanan lang basta basta. Pero kung walang ban na ginawa ang gobyerno natin, panigurado karamihan sa atin nasa Binance pa rin. Kahit na ganun ang nangyari, madami pa din namang ibang mga exchanges diyan na ginagamit tayo tulad ng okx at bybit. May mga iba na madaming features at nakikilala na din naman. Kaya nasa choice nalang natin kung alin doon basta may magandang structures ng fee at features.