After several weeks of planning, I've now decided to add GCASH CASH-IN/CASH-OUT sa aming munting sari-sari store business. Marami ng my ganitong business dito pero di ko naman ang habol ang competition. Kumbaga additional lang sa aming tindahan at matatak sa mga tao na isa kami na may ganitong business dito sa aming lugar lalo't 24/7 kami bukas hehe.
Any inputs mga boss kung ano ang best way para makatipid sa transfer fees? Like anong bank/digital bank/or any platforms ang mas maganda gamitin pang transer ng funds to GCASH or something like that etc. Of course aside sa dapat malakihan agad ang itop up sa wallet.
Another question, any suggestion sa dapat kong ilagay na fees sa cashin/cashout? Pero naisip ko dito gayahin ko na lang iyong majority ng mga tindahan dito for example: cashin (Php 500 + 10) cashout (Php 500 + 15) then from Php 1000 add Php 20 pesos or basta malapit sa rates na yan.
Icompile ko rin mga advice at suggestion nyo (with credits sa user na nagpost) dito sa main post para maging guide na rin sa mga gustong magbusiness ng ganyan hehe.