Maraming Pilipino pa rin ang walang access sa traditional banking system, madami ako kakilala kahit matatanda na o may mga trabaho na pero wala parin sariling bank account.
Sa Bitcoin, kahit walang bank account, pwedeng magkaroon ng secured digital wallet at gamitin ito sa pagbabayad, pagtanggap ng pera, o kahit pag-iipon ng assets!
The main issue sa mga ganitong users is usually pinipili nila ang mga custodial services dahil mas convinient ito at sigurado ako na hindi nila alam na iba ang humahawak sa mga private keys nila
[sa madaling salita, never sila magkakaroon ng sarili nilang Bitcoin].
Paano pa natin mapapalawak ang Bitcoin adoption sa Pilipinas?
Educational events... Pansin ko lately, halos lahat ng mga events sa bansa natin is focused sa mga ibang crptocurrencies or related fields.
May nakagamit na ba kayo ng BTC sa pagbili ng goods o services dito?
Noong nasa pinas pa ako, indirectly ginagamit ko ang mga Bitcoins ko sa pambayad ng mga bills at nowadays, ginagamit ko ito for digital goods
[e.g. VPNs, games at minsan collectible items].