Actually maganda nga talaga ang pag gamit ng bitcoin lalo na for transactions kasi nakapa convinent but the cons right here is di aware ang mga pilipino at takot sila sa mga ganitong klaseng bagay kasi hindi pa nila ito lubos na alam gamitin. At the same time is hindi naman ito tinuro sa kanila o di kaya naman ay kinalakihan so mas pipiliin pa din ng mga tao yung mga normal remittance center kasi mas madali lang iyon eh at gamay na nila. Siguro ang maaring gamitin nila is mga e-wallet na supported ung crypto kasi by that less hassle sa paypal if dadaan pa or other exchange nila pa dito. Alam nyo naman ang bansa natin ayaw sa pag babago at takot para sa ikabubuti which is ayan din ang gusto ng government natin. Kaya para sakin maganda man ang bitcoin kaso hindi ito para sa lahat.
Lalo na ang nakakabit sa Bitcoin eh scam dahil dami ng precedence na mga scammers eh gamit ang Bitcoin o crypto. Although kung lalaruin nila ang Gcash makikita nila na merong Gcrypto, pero alanganin parin gamitin to ng mga Pilipino at baka dun sa mga stocks mag invest sila.
Nakikita ko naman na may mga influencers na pinag uusapan ang pag trade nito o anong magandang bilhin crypto.
Pero hindi ako sure kung willing ang Pinoy. Lalo na kung paano to tanggapin sa mga negosyo dahil so far iilan ilan pa lang talaga o yung dating tumatanggap eh inalis na tong option na to.