Masyado nang malawak ang cryptocurrency industry para ma iaatach pa ang Bitcoin sa ganitong rug pulls kahit saang industriya talaga ay present ang scam nasa investor na talaga kung paano at bakit sya maniniwala sa mga investment project na dumarating.
Hindi lahat ng kumikinang dito ay ginto kahit napaka popular na personalidad pa ang mag promote, ikaw pa rin dapat ang mag decide ng tama kung mag iinvest ka pa at pag narug pull ka napaka ignorante mo naman kung i aatach mo ang sinapit mo sa isang token o coin sa Bitcoin.
Pero yung nangyari na ganyan is actually makakaapekto talaga sa legal side nyan since maaaring mabago ang pananaw ng mga opisyales lalo na pag isang bigating opisyal ang sangkot sa mga ganitong schemes.
Nag labas pa naman si Trump ng coin nila at nag dump ito baka silipin ito ng mga kalaban nila at gawing grounds para di matuloy ang mga plano nila at gawin din nila yung pag impeach kagaya sa nangyari dyan sa Presidente ng Argentina.
For me, short term = YES, long term = NO.
Makaka apekto lang ito sa mga tao na wala pa masyadong knowledge sa Bitcoin or cryptocurrency like yung mga taong nagsasabi na "Bitcoin is scam" na di man lang alam pano gumana ang Bitcoin at kung ano talaga ang Bitcoin.
Another thing ay pwede ito may maging positibong epekto sa Bitcoin for example yung mga nabiktima ng rug pulls ay after na learn nila ang lesson nila, Bitcoin na lang bibilhin na lang instead sa mga random shitcoins na ito, so more buyers sa Bitcoin yan.
Wala naman sigurong situation na tatawaging scam si Bitcoin sa mga ganyang mangyayari at let see nalang talaga kung good ba ang effect ng mga ganitong bagay at maituro yung mga kulang pa sa experience kay Bitcoin since hindi naman talaga lahat ganito ang nangyayari.
Nakakalungkot eh. Isa ako sa mga nabiktima nitong $LIBRA dafhil nung nakita ko 'to, nag invest din ako ng pera at ang laki ng nawala sa akin. Naiinis ako pero alam ko wala na akong magagawa. Alam ko lahat ng tao ay ganito ang napala kaya andami ngayon nag rereklamo. Ngayon buti naman na may balita tungkol dito dahil kahit papano, may justice na maibibigay. Nasira talaga yung mga tiwala ng tao lalo na kung meme coin ang pinaguusapan.
Ang iniisip ko na lang dito ay kung mag kakaroon ba ng tamang regulations para dito.
Yun lang nakakalungkot talaga at sakin naman nadala nako sa Melania yung kinita ko sa Trump na kaunti ay natalo lang din dun kaya di nako nag sayang pa ng oras na paglaanan ng pansin yang Libra na yan. At looks like tama naman ang desisyon ko dahil kung sumugal ako ulit ay tyak baka talo na naman. Kaylangan talaga ng tamang regulation lalo na sa mga meme coins na yan dahil sobrang daming scam na ang nagaganap at tsaka malalaking tao na ang involve sa eksena.
Kayo ano opinyon nyo sa case nato.
Medyo malabo ang tanong mo sa subject field kabayan... Kung ang tinutukoy mo is in terms ng value niya, wala siguro itong impact pero in terms ng mga regulations, may detrimental effect ito sa future regulations ng US at ang iba pang mga bansa na usually sumusunod sa kanila
[e.g. tulad ng bansa natin].
Impact on regulation side kabayan, since maaaring maiba talaga ang desisyon ng mga regulators lalo na pag lumaganap pa ang ganitong gawain at buti nalang na expose agad yung kabulastugan sa Libra na yan dahil baka pamaresan pa ng ibang makapangyarihang tao sa mundo. At mainam talaga na ma regulate ito at wala nang kilalang tao ang mag take advantage sa mge meme coins na yan.