- Financial Inclusion para sa Mga Walang Bank Account
Maraming Pilipino pa rin ang walang access sa traditional banking system, madami ako kakilala kahit matatanda na o may mga trabaho na pero wala parin sariling bank account.
Sa Bitcoin, kahit walang bank account, pwedeng magkaroon ng secured digital wallet at gamitin ito sa pagbabayad, pagtanggap ng pera, o kahit pag-iipon ng assets!
Marami rin akong kilala na walang bank account. Ang iba sakanila by choice yun habang ang iba ay talagang hindi namemeet ang requirement ng mga banks dito pero sa pamamagitan ng mga digital wallets ay may mas safe at secure na silang lugar para i-store ang pera nila kaya napakalaking tulong ng bitcoin. Madali pa mag set up at walang diskriminasyon sa pag gawa ng wallet.
May nakagamit na ba kayo ng BTC sa pagbili ng goods o services dito?
Sa ngayon, wala pa ako nakikitang nagooffer ng bitcoin sa mga physical stores or mall. Makakagamit ka lang ng bitcoin sa isang transaksyon kung nakikipagtransact ka online pero exclusively dito sa pilipinas wala pa masiyado.