Ang dami kong na encounter na ganyan sa Viber at mapa Telegram. Mayroon agad mag ppm "Hello po". Automatic pag mayroon nag PM sakin ng ganyan, block and delete agad eh. Ayaw ko na makipag kahit ano kasi alam ko yan yung mga mag ppm na "1500 per day" or something like that.
Hindi ko na talaga alam din kung saan nila nakukuha number koo, minsan nakakainis lang talaga. Sana wala na silang mabiktima na iba.
Kaya lumalabas talaga na wala ding silbi yung sim card registration na inakala ko na maganda at iwas scam na, pero nagkamali ako ng inisip sa ginawa na ito ng gobyerno natin.
Kahit nga ngayon madaming nagsesend sa aking inbox sa number ko ng mga ganyan, at block din agad ginagawa ko tapos delete.
At kamakailan nga meron naman tumatawag at number lang makikita mo na mag-aappear sa mobile phone natin, in which is hindi ko rin sinasagot cancel agad at delete din
dahil mahirap ng malusutan ng scammer.